Mandaluyong City, nakapagtala na ng 22 COVID-19 cases
Nadagdagan ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Mandaluyong City.
Sa datos ni Mandaluyong City Health Department hanggang 1:30, Miyerkules ng hapon (March 25), nasa 22 na ang kaso ng COVID-19 sa lalawigan.
Naitala ang mga kaso sa mga sumusunod na barangay:
– Highway Hills – 8
– Mauway – 2
– Malamig – 2
– Hulo – 2
– Plainview – 2
– Barangka Ilaya – 1
– Wackwack – 1
– Pleasant Hills – 1
– Daang Bakal – 1
– Vergara – 1
– Addition Hills – 1
Samantala, 92 ang naitalang persons under investigation (PUIs) habang siyam ang cleared PUI.
Nasa 373 naman ang persons under monitoring (PUMs) kung saan 42 ang cleared na.
Walong pasyente naman sa lugar ang na-discharge na sa ospital.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.