outbrain

Bilang ng COVID-19 cases sa Laguna, nasa 11 na

By Angellic Jordan March 25, 2020 - 03:26 PM

Nadagdagan ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Laguna.

Sa inilabas na datos ni Governor Ramil Hernandez hanggang 12:00, Miyerkules ng tanghali (March 25), nasa 11 na ang kaso ng COVID-19 sa lalawigan.

Samantala, 506 naman ang naitalang persons under investigation (PUIs).

Nasa 6,716 naman ang persons under monitoring (PUMs) kung saan 1,277 ang cleared na.

Patuloy na hinihikayat ang mga residente sa lugar na sumunod sa mga panuntunan ng gobyerno para maiwasang kumalat pa ang virus.

TAGS: COVID-19, Gov. Ramil Hernandez, Inquirer News, COVID-19, Gov. Ramil Hernandez, Inquirer News

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.