‘Check and balance’ sa ibinigay na bagong kapangyarihan kay Pangulong Duterte, tiniyak ng Kamara

By Erwin Aguilon March 25, 2020 - 02:57 PM

Siniguro ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang pagsasagawa ng ‘checks and balance’ sa mga karagdagang kapangyarihan na ipinagkaloob ng kongreso kay Pangulong Rodrigo Duterte upang labanan ang COVID-19.

Ayon kay Cayetano, bukod sa joint oversight committee na bubuuhin ng apat na kinatawan mula sa Kamara at Senado na siyang pagbibigyan ng ulat ng Pangulo kada Linggo.

Bukod dito, bumuo na rin ang Kamara ng adhoc committee na Defeat COVID-19 Committee o DCC kung saan Si Cayetano ang magsisilbing Chairman ng DCC habang co-Chair naman si Majority Leader Martin Romualdez.

Ang DCC aniya ay magsisilbing “working committee” na makikipagtulungan sa oversight committee para matiyak na hindi maaabuso ang kapangyarihan ng Presidente sa ilalim ng “Bayanihan to Heal as One Act”.

Gagawin aniyang online ang gagawing pagpulong ng oversight committee upang hindi makasagabal sa iba pang trabaho.

Ang oversight committee naman ang makikipagugnayan sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases para talakayin ang maraming isyu tulad sa pagtugon sa kalusugan, economic relief, curfew, quarantine, peace and order, fiscal position at lagay ng ekonomiya.

TAGS: Alan Peter Cayetano, Bayanihan to Heal as One Act, COVID-19, Defeat COVID-19 Committee, Alan Peter Cayetano, Bayanihan to Heal as One Act, COVID-19, Defeat COVID-19 Committee

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.