Kaso ng COVID-19 sa Quezon City, nasa 72 na

By Jong Manlapaz March 25, 2020 - 02:18 PM

Umakyat na sa 72 ang bilang ng kaso ng mga taga-Quezon City na positibo sa COVID-19.

Base sa QC Health Department, panibagong 10 ang nadagdag na mula sa District 1 sa Barangay Lourdes- 1; District 3 sa barangays West kamias -1 at Barangay Matandang Balara -1; Mula sa District 4 sa Barangays Bagong Lipunan sa Crame- 2 , South triangle -1 at paligsahan-1; District 6 sa Barangay Culiat -2 at Barangay Sauyo -1

Sa tala ng QC department, sa District 1 ang mga apektado ng COVID-19 ay ang Barangays Bagong Pag Asa, Bahay Toro, Bungad, Del Monte, Lourdes, Maharlika, Phil-am, Project 6, Ramon Magsaysay, San Antonio at San Isidro Labrador.

Sa District 2 sa Barangay Bagong Silangan at Batasan Hills, District 3 sa Barangays E. Rodriguez at Batasan Hills.

Distict 3 sa Barangays E Rodriguez, Marilag, Masagana, Matandang Balara, Pansol, San roque, Socorro,Ugong Norte, West Kamias at White Plains at sa District 4 Bagong Lipunan ng Crame, Damayang Lagi, Don Manuel, Dona Imelda, Horseshoe, Immaculate Concepcion, Kalusugan, Kristong Hari, Paligsahan, Pinyahan, Sacred Heart, San Martin de Porres, South Triangle, Tatalon at Valencia.

Sa District 5 sa Barangays Bagbag, Fairview, Kaligayahan, Pasong Putik at sa District 6 sa Barangays Culiat, Pasong Tamo, Sauyo at Tandang Sora.

Nanatili naman sa 10 na ang namatay na COVID-19 patients ng QC, habang pito naman ang gumaling.

TAGS: COVID-19, Quezon City Health Department, COVID-19, Quezon City Health Department

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.