NPC nagbabala sa mga online COVID-19 offers at mga donasyon

Binalaan ng National Privacy Commission ang publiko sa paglobo ng bilang ng mga kaso ng panloloko sa pamamagitan ng internet kasabay ng COVID-19 crisis.

Sa inilabas na bulletin ng NPC, sinasamantala ng mga online scammers ang sitwasyon ngayon na marami ang gumagamit ng internet dahil sa ipinatutupad na work from home policy gayundin ang mga umaasa sa online transactions.

Marami ang nagpapadala ng phishing emails na maaring maging daan para makatangay ng pagkatao at pera ng online users.

Paalala ng ahensiya huwag basta-basta ipagkakatiwala ang personal data sa mga kadudadudang email at mensahe na may alok ukol sa gamot o bakuna kontra COVID-19.

Ang mga ito, ayon sa NPC, ay maaring paraan para makuha ang mga impormasyon ng credit card o online banking details ng internet user.

Dagdaga pa dito, kailangan din maging mapanuri sa mga online charity o crowdfunding campaign na nagsasabing ang donasyon ay mapupunta sa mga grupo na kumikilos para labanan ang COVID-19 at para matulungan ang mga apektado.

Read more...