Para mapanatag ang kalooban at pag-iisip ng kanilang mga pasahero, naglabas ang Cebu Pacific ng bagong rebooking offer.
Ayon sa CebuPac ang mga kanilang mga pasahero na may kumpirmadong domestic at international flights mula Abril 15 hanggang sa Hunyo 30 ngayon taon ay maari muling magpa-rebook ng libre.
Kung hindi naman na itutuloy ang kanilang biyahe, ang ibinayad sa pasahe ay maaring ilagak bilang ‘travel fund’ na magagamit kung magpapa-book ng bagong biyahe hanggang isang taon.
Maari din gamitin ng pasahero ang CEB Flexi, kung saan maari silang magpa-rebook ng dalawang beses ng libre ngunit depende na sa magiging pasahe sa mapipili nilang bagong flight.
Kasabay nito, humingi ng paumanhin ang CebuPac sa matagal na pagsagot sa mga tawag sa kanilang customer service dahil binabaha sila ng mga tawag mula sa mga pasahero.
Tiniyak naman ng CebuPac na muling magbabalik ang kanilang mga biyahe sa darating na Abril 15.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.