PNP Chaplain nagpositibo sa COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 ang miyembro Chaplain Service ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Police Maj. Duds Santos ng PNP General Hospital, nasa isang pribadong pagamutan na ang pasyente.

Bumubuti naman na umano ang lagay nito, wala na sa ICU at hindi na nangangailangan ng life support.

Mayroon namang pitong PNP personnel na nagkaroon ng direct contact sa nasabing pasyente at lahat sila ay sumailalim sa self quarantine.

 

 

Read more...