Ngayong araw na ito, February 8, sisimulan ang dry run sa pag-imprenta ng mga balota na gagamitin sa halalan sa May 2016.
Maaga pa lamang nasa tanggapan na ng National Printing Office (NPO) sa Quezon City ang mga tauhan ng NPO, COMELEC at Smartmatic-TIM na mag-oobserba sa gagawing pag-imprenta.
Pagkatapos ng pag-imprenta ng mga balota ay susubukan naman itong ipasok sa PCOS machines ng Smartmatic-TIM para malaman kung tatanggapin ang naimprintang mga balota.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista na nagpasya silang magsagawa muna ng dry run ngayong araw dahil may mga kailangan pang ayusin sa listahan ng mga botanteng mapapasama sa official ballot.
Ito ay para matiyak aniyang tanging ang mga official candidates lamang ang nasa mga balota upang hindi na makadagdag sa kalituhan ng publiko.