Mga OFW pwedeng umuwi ayon kay Sen. Bong Go

Photo credit: Office of Sen. Bong Go

Nagbilin si Senator Christopher Go sa OFWs na gustong umuwi na bukas palagi ang pintuan ng bansa para sa kanila.

Sinabi ni Go na paulit-ulit nang inihayag ni Pangulong Duterte na tatanggapin ang mga Filipino na nagta-trabaho sa ibang bansa kapag gusto nilang umuwi.

“Kung pati sa sarili nilang bansa ay ayaw sila tanggapin, saan pa sila pupunta?” tanong ng senador kasabay ng pagtitiyak na tutugunan ang mga pangangailangan ng mga OFW.

Dagdag pa ni Go, maglalaan ng pondo para makabalik sa Pilipinas ang mga Filipino na nasa mga bansa na grabe na ang sitwasyon dala ng COVID 19.

Aniya maglalaan ng quarantine facility para sa kanila kung saan komportable silang pansamantalang mananatili habang tinitiyak ang kondisyon ng kanilang kalusugan.

Ito naman, ayon pa rin kay Go, ay para na rin sa kaligtasan ng mga nasa Pilipinas.

 

 

 

Read more...