Lahat ng pasahero ng isang flight ng PAL na bumiyahe mula Manila to Zamboanga, hinahanap ng LGU

Hinahanap na ng City Government ng Zamboanga ang lahat ng pasahero ng flight PR 2993 ng Philippine Airlines na bumiyahe mula Manila to Zamboanga noong March 13.

Payo ni Zamboanga City Mayor Beng Climaco sa mga pasahero, agad silang makipag-ugnayan sa Health Hotlines ng Communications Center sa number na 09661754298 at 975-4802.

Mayroong health personnel na sasagot sa kanilang mga tawag.

Kailangang ibigay ang impormasyon gaya ng pangalan, edad, contact number at address.

Sinabihan din ang lahat ng pasahero ng nasabing flight na sila ay dapat sumailalim sa istriktong Home Quarantine hanggang sa March 27.

Read more...