April salary ng DepEd personnel minamadali

By Jan Escosio March 25, 2020 - 08:56 AM

Minamadali na ang proseso at pagpapalabas ng suweldo ng mga tauhan ng DepEd ngayon Marso at Abril.

Ayon kay Education Sec. Leonor Briones ay bahagi ng kanilang mga hakbangin para pangalagaan ang kapakanan ng kanilang mga tauhan sa gitna ng krisis na dala ng COVID 19.

Sinabi din ni Briones kasama sa minamadali ang pagpapalabas ng suweldo ang kanilang mga contractual at job order personnel.

Diin ng kalihim sa kabila ng nararanasan krisis, kailangan na magpatuloy ang edukasyon at pagbibigay nila ng serbisyo kayat kailangan din nilang intindihin ang kanilang mga kawani.

Dagdag pa nito gumagawa din sila ng paraan para mabigyan ng pondo ang kanilang field offices sakaling may biglaan gawin hakbang kaugnay sa banta ng COVID 19.

Binanggit din ni Briones, hinihintay na lang nila ang go-signal ng Budget Department para sa pagpapalabas nila ng P6,000 clothing allowance para sa kanilang mga kawani at ang 2018 Performance-Based Bonus ng kanilang mga school-based personnel.

TAGS: COVID-19, covid-19 in ph, department of health, deped salary, deped workers, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, COVID-19, covid-19 in ph, department of health, deped salary, deped workers, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.