Mga UV Express kinuha ni Rep. Ong upang masakyan ng mga health worker

By Erwin Aguilon March 25, 2020 - 08:44 AM

Upang magbigay ng libreng transportatasyon sa mga frontliner lalo na ang mga health worker kinuha ni House Committee on Economic Affairs Vice Chairman at Ang Probinsyano Rep. Ronnie Ong ang serbisyo ng mga UV Express vans para magbigay ng libreng transportasyon sa mga frontliner.

Kabilang sa makikinabang dito ang mga health care workers sa East Ave. Medical Center, National Kidney Transplant Institute (NKTI) at Philippine Children’s Medical Center (PCMC).

Ayon kay Ong, layunin nito na pagaanin naman ang buhay ng mga doktor at medical staff na naglalakad ng ilang oras para makapasok sa trabaho.

Ito rin anya ay upang mabigyan ng ng kabuhayan ang daan-daang UV Express drivers na nawalan ng kita dahil sa suspensyon ng lahat ng pampublikong transportasyon.

“We decided to tap on UV express vans to augment the needed transport support for health workers. This is also a way to help drivers who have no current source of income due to the enhanced community quarantine, ” dagdag ni Ong.

Sabi ni Ong, nakausap na niya ang mga driver na magsisimulang magserbisyo ang mga ito at tatagal ng hanggang April 12.

para masiguro naman anya ang kanilang proteksyon, bibigyan ang mga driver ng full personal protective equipment (PPE), alcohol at vitamins, at isa-sanitize ang kanilang mga sasakyan kada biyahe.

Sabi ni Ong, “I’m really thankful that everyone is supportive of this project. This kind of support is very important because we could be on this kind of situation for a much longer period than what was initially anticipated. We should help our health care workers.”

Nakausap na rin ng kongresista sina Transportation Usec. Mark De Leon, DILG Secretary Eduardo Año, opisyal ng LTO at executives ng NKTI, PCMC at East Ave. Medical Center na suportado naman ang hakbang na ito.

Hinikayat naman ng mambabatas ang DoTr, Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Department of Labor and Employment na gawing template ang kanyang proyekto upang maresolba ang problema sa transportatasyon ng mga frontliners sa paglaban sa covid-19 at iba pang awtorisadong lumabas ng bahay sa kabila ng pinapairal na enhanced community quarantine.

TAGS: COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Health, health workers, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, Rep. Ronnie Ong, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, uv express, COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Health, health workers, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, Rep. Ronnie Ong, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, uv express

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.