Plastic shield inilagay sa harap ng police precinct sa Maynila

By Ricky Brozas March 25, 2020 - 07:39 AM

Para makatulong sa pagsugpo sa coronavirus disease o COVID-19, nilagyan ng plastic shield ang harapan ng presinto ng Sta. Ana Police Station 6, sa lungsod ng Maynila.

Ayon sa mga pulis, ito ay upang mapangalagaan ang kalinisan at seguridad ng mga pumapasok at lumalabas sa nasabing police station.

Bukod sa plastik ay may iba pang precautionary measure ang Sta. Ana Police Station gaya ng regular na disinfection at paglilinis.

No face mask, no entry din ang ipinatutupad dito. Nagbigay naman ang pamahalaang lungsod ng Maynila ng face shield sa mga pulis, na kanilang magagamit lalo sa mga checkpoint.

Kahapon ay kinumpirma ng Manila Police District o MPD na mayroong isang pulis-Maynila na nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay MPD PIO Chief LT. Col. Carlo Manuel, base sa isinagawang laboratory test sa RITM, positibo sa COVID-19 ang isang patrolman na hindi muna natin papangalanan.

Ayon sa MPD, nagsasagawa na rin sila ng contact tracing sa mga taong nagkaroon ng close contact sa nasabing pulis.

TAGS: COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, mod, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, plastic shield, public health emergency, Radyo Inquirer, Sta. Ana Police, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, mod, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, plastic shield, public health emergency, Radyo Inquirer, Sta. Ana Police, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.