outbrain

Release ng sequel ng “Wonder Woman” iniurong sa Agosto

By Dona Dominguez-Cargullo March 25, 2020 - 07:08 AM SHARE(S):

Ipinagpaliban muna ang relase ng sequel “Wonder Woman”.

Sa halip na sa June 2020 ay ginawang sa August 2020 na ang showing date ng pelikula dahil sa banta ng coronavirus 2019 (COVID-19) sa malaking bahagi ng mnundo.

Si Gal Gadot na gumaganap bilang Wonder Woman ang nag-anunsyo ng pagpapalit ng release date ng pelikula sa pamamagitan ng post sa kaniyang Twitter.

Sa kaniyang post, sinabi rin ng aktres na umaasa siyang maging ligtas ang bawat isa.

Ang sequel ng pelikula ay may titulong “Wonder Woman 1984” o “WW84”.

 

 

TAGS: COVID-19, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, sequel, showing date, Tagalog breaking news, tagalog news website, Wonder Woman, COVID-19, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, sequel, showing date, Tagalog breaking news, tagalog news website, Wonder Woman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.