Duterte sa mga doktor, health workers na pumanaw dahil sa COVID-19: I really salute you
Tinawag na “hero” ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga health workers, mga duktor na nagsakrapisyo ng buhay sa paglaban ng bansa sa COVID-19.
Ayon sa pangulo nakalulungkot na dahil sa paglaganap ng virus ay may mga duktor nang pumanaw.
Lahat aniya ng mga ito ay pawang bayani.
“It is seldom that I salute a person. But our doctors, our health workers who died, I really salute you,” ayon sa pangulo.
Kasama ding pinasalamatan ng pangulo ang iba pang frontliners sa paglaban sa sakit.
Maliban sa mga health workers ay nagpasalamat ang pangulo sa AFP at PNP sa pagpapanatili ng kapayapaaan at seguridad ng publiko.
Gayundin ang mga nagtatrabaho sa groceries, supermarket, mga bangko at iba pang establisyimento na kailangang manatiling bukas sa kasagsagan ng pag-iral ng enhanced community quarantine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.