Duterte sa publiko: Stay home, ‘wag matigas ang ulo

Sa kaniyang pubic address Lunes (March 24) ng gabi ay nanawagan si Pangulong Rodrigo Durte sa publiko na makinig at sumunod sa mga paalala ng pamahalaan.

Apela ng pangulo sa publiko manatili sa mga tahanan at huwag matigas ang ulo.

Ang laban aniya ng pamahalaan sa COVID-19 ay nakadepende sa kooperasyon ng mga mamamayan.

I now call on every Filipino to participate in this war by following the guidelines. Nothing is more important that your cooperation. I repeat: Stay home, ‘wag matigas ang ulo. The outcome of this war depends largely on you as well,” ayon sa pangulo.

Sa kaniyang pahayag muli rin nitong ibinigay ang katiyakan sa publiko na ‘on top’ sa sitwasyon ang gobyerno.

Hinding-hindi aniya iiwanan ng gobyerno ang mga mamamayah.

“As President, I assure you — I assure the public that the government is on top of this situation at all times. We will not leave anyone behind. Sabay sabay nating labanan ang COVID-19 para sakabutihan ng lahat,” dagdag ng pangulo.

Bagaman matindi ang kalaban, sinabi ng pangulo na hindi ito susukuan.

Umaasa ang pangulo na darating din ang panahon at magtatagumpay ang Pilipinas sa laban kontra COVID-19.

“Matindi ang kalaban. But we will not surrender. Hindi tayo susuko. Tayo ay lalaban. Yes, things will not be easy. [But] we Filipinos are tough. Mas malakas ang Pilipino sa anumang hamon. Now, we all must do what we can and must. Para sa ating bayan,”. saad pa ng pangulo.

Read more...