Walang tsunami threat sa Pilipinas matapos ang M7.8 na lindol sa Russia – Phivolcs

Tiniyak ng Phivolcs na walang tsunami threat sa Pilipinas matapos tumama ang magnitude 7.8 na lindol sa Russia, Miyerkules ng umaga.

Sinabi ng ahensya na yumanig ang malakas na lindol sa Silangang bahagi ng Kuril Islands dakong 10:49 ng umaga (oras sa Pilipinas).

May lalim ang lindol na 59 kilometers.

Ayon sa Phivolcs, posibleng maranasan ang hazardous tsunami waves na sakop ng 1,000 kilometers mula sa episentro ng lindol.

Read more...