Babaeng negosyante kulong sa disinfectant, hand sanitizer

By Jan Escosio March 24, 2020 - 07:22 PM

Nagawa pa ng isang babaeng negosyante na mapangiti sa kabila nang pagkakahuli sa kanya dahil sa pagbebenta ng disinfectant at sanitizer sa Ilocos Norte.

Sinabi ni CIDG RFU 1 director, Police Col. Santiago Pascual na paunang paglabag sa Consumer Protection Act ang isasampa nilang kaso laban kay Rochelle del Rosario, 32-anyos, ng Bagumbong, Caloocan City.

Ayon kay Pascual, may kasama silang tauhan ng Department of Trade and Industry (DTI) nang ikasa nila ang operasyon laban kay del Rosario.

Aniya, nagbebenta ng colored water-based disinfectant at hand sanitizer nang walang label si del Rosario kayat inaresto nila ito.

Nakuha sa suspek ang 113 one liter bottle ng disinfectant na ibinebenta niya ng P150 bawat isa at 26 one liter ng sanitizer na may halagang P200.

TAGS: CIDG RFU 1, colored water-based disinfectant, Consumer Protection Act, Rochelle del Rosario, CIDG RFU 1, colored water-based disinfectant, Consumer Protection Act, Rochelle del Rosario

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.