Sinabi pa nito, ang magsasamantala sa pondo ay maaring maharap sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
“Nais kong bigyang diin na hindi ibig sabihin na isasantabi na natin ang ating auditing rules, ang safeguards, ang anti-graft laws. Hindi po binabalewala iyan,” ayon kay Drilon.
Dagdag nito dahil sa batas, makakakilos pa ang gobyerno para tugunan ang krisis dulot ng COVID-19 sa loob ng tatlong buwan.
Ibinahagi nito na siya ang pumigil sa kagustuhan ng Malakanyang na maging ‘unli’ ang ibibigay na special authority kay Pangulong Rodrigo Duterte kayat nalimitahan na lang ito sa tatlong buwan.
Sinuportahan niya aniya ang pagbibigay ng hanggang P8,000 tulong pinansiyal sa mga nawalan ng pinagkakakitaan dahil sa enhanced community quarantine.