Calamba RTC Judge patay sa COVID-19

By Ricky Brozas March 24, 2020 - 05:04 PM

Nakapagtala na ng kauna-unahang person under investigation o PUI na iniuugnay sa COVID-19 ang namatay mula sa hanay ng hudikatura.

Nabatid na ang pinakaunang biktima o namatay na taga-hudikatura ay si Calamba Regional Trial Court Judge Virgilio “Dave” Gesmundo.

Ang nasabing hukom ay naging first placer nuong 1977 Bar examinations na nakakuha ng gradong 91.8 percent matapos siyang nag-graduate sa Ateneo De Manila University College of Law.

Samantala, bago pa man siya pumasok sa hudikatura ay dati na siyang naging Dean sa Arellano Law School.

Ang naturang judge ay unang dinala sa ospital sa Parañaque City nito lamang March 15 makaraang magkasakit pero inilipat sa Adventist hospital sa Pasay City at doon na binawian ng buhay na agad namang pina-cremate.

Ang pagpanaw ng judge ay kinumpirma mismo ni Atty.Cheska Gesmundo, panganay na anak ng biktima sa pamamagitan ng viber group ng Supreme Court, Court of Appeals at ng Philippine Judges Association.

TAGS: Calamba RTC Judge, COVID-19, Judge Virgilio "Dave" Gesmundo, Calamba RTC Judge, COVID-19, Judge Virgilio "Dave" Gesmundo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.