Gulo sisiklab sa gutom! – Sen. Imee Marcos

By Jan Escosio March 24, 2020 - 04:54 PM

Nagbabala si Senator Imee Marcos sa posibilidad na magkaroon ng kaguluhan sa Metro Manila kapag hindi natugunan ang pagkalam ng sikmura ng mga mahihirap na pamilya.

Kayat nanawagan si Marcos sa National Food Authority (NFA) na ilabas na ang mga nakaimbak na bigas, samantalang dapat din ipamahagi na lang ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa kustodiya nilang puslit na mga isda.

Inihirit din nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na ipalabas na ang COVID-19 test kits at masks para maipamahagi na sa Metro Manila.

“Wag nang patagalin ‘yan! Gawin nating priority ang Metro Manila. Dapat i-distribute na ang mga bigas na ‘yan na nabuburo lang sa mga bodega ng NFA. Huwag na nating hintayin pang magutom ang mga kababayan natin na maaring pagsimulan ng kaguluhan,” babala ng senadora.

Aniya, may mga nakausap na siyang Metro Manila mayors at sinabi ng mga ito na may mga bodega naman sila na maaring paglagyan ng mg bigas.

Samantala, sinabi pa nito na ang mga nakumpiska naman ng BOC na mga imported na isda ay ibigay na rin agad sa DSWD para maipakain na sa mga nagugutom.

TAGS: COVID-19, Sen. Imee Marcos, COVID-19, Sen. Imee Marcos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.