COVID-testing centers sa buong bansa, dapat italaga

By Erwin Aguilon March 24, 2020 - 04:32 PM

Congress photo

Hinimok ni Assistant Majority Leader at Iloilo City Rep. Julienne Baronda sa gobyerno na magtalaga na ng COVID-19 testing centers sa buong bansa.

Ayon kay Baronda, kailangang bilisan ang pagtatalaga ng mga accredited COVID-19 testing centers sa bawat rehiyon sa bansa upang mas mabilis ang gagawing diagnosis sa persons under investigation (PUIs).

Sa ganitong paraan ay mas magiging efficient ang paghawak sa possible COVID-19 cases na hindi na kakailanganing dalhin o ibiyahe sa malalayong lugar para lamang maipa-test.

Kasabay nito ay hinimok din ni Baronda ang Kamara na i-endorso ang kanyang request sa Department of Health na i-accredit na bilang second testing center ng Coronavirus cases sa Western Visayas ang West Visayas State University Medical Center.

Paliwanag ni Baronda, kailangan ng pangalawang testing center sa Western Visayas bilang proactive measure sakaling dumagsa o tumaas ang bilang ng mga nagpapatest sa Western Visayas Medical Center na unang itinalagang COVID-19 testing center sa rehiyon.

TAGS: COVID-19 testing centers, Rep. Julienne Baronda, COVID-19 testing centers, Rep. Julienne Baronda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.