Tatlo huli sa overpriced alcohol, masks sa Pangasinan

By Jan Escosio March 24, 2020 - 03:27 PM

Inaresto ang isang online seller at isang empleyado ng isang supermarket sa Urdaneta City dahil sa ilegal na pag-iimbak at refilling ng alcohol.

Ayon kay Police Col. Santiago Pascual, hepe ng CIDG – Regional Field Unit 1, unang naaresto sina Mark Lester Isidro, online seller at John Ballestero, 19-anyos, sales associate ng Bonus Supermart.

Nagsagawa ng entrapment operation ang mga tauhan ni Pascual sa bahagi ng McArthur Highway sa Barangay Poblacion bandang 5:00 ng hapon.

Sinabi pa ng opisyal na P280 kada litro ng 70% alcohol ang benta ng dalawang suspek ngunit P120 hanggang P148 lang ang suggested retail price ng Department of Trade and Industry (DTI).

Sa follow-up operation, inaresto naman ang 24-anyos na negosyante na si Dyna Marie Fernandez dahil sa pagbebenta ng 500 piraso ng masks sa halagang P30 kada piraso ngunit ang halaga lang nito ay P3 hanggang P12 bawat isa.

Ipinagbibili naman ni Fernandez sa P140 ang 500ml alcohol ngunit hanggang P74.25 lang ang dapat na presyo nito.

Aabot sa higit P24,000 halaga ng alcohol ang kinumpiska mula sa tatlong suspek at sila ay mahaharap sa mga kasong paglabag sa Price Act at Consumer Protection Act.

TAGS: CIDG – Regional Field Unit 1, overpriced alcohol, overpriced masks, pangasinan, Police Col. Santiago Pascual, Urdaneta, CIDG – Regional Field Unit 1, overpriced alcohol, overpriced masks, pangasinan, Police Col. Santiago Pascual, Urdaneta

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.