Pagpapakuha ng larawan ni Cayetano, Medialdea at iba pang kongresista na umani ng batikos ipinaliwanag

By Erwin Aguilon March 24, 2020 - 04:12 PM

Nagpaliwanag si House Speaker Alan Peter Cayetano sa ginawang photo opportunity kasabay special session ng Kamara na umani ng batikos sa mga netizen.

Ayon kay Cayetano, hindi nila ikinukumpara ang kanilang sarili sa health workers bagkus ang nais lamang nila ay ipakita ang kahalagahan ng community quarantine upang malabanan ang COVID-19.

Sabi ni Catetano, “No, we’re not comparing ourselves to the frontliners. Hats off kami, malayo. Ang mga frontliners, every single second they’re risking their lives. Kaya nga kami, we are just extending the message, stay home”.

Sa kanyang opening speech sa isinagawang special session na may kaugnayan sa pagbibigay ng kapangyarihan kay Pangulong Duterte na magdeklara ng State of National Emergency at iba pang special powers upang labanan ang COVID-19, sinabi ni Cayetano na maraming Filipino ang hindi sumusunod sa social distancing sa kanila ng ipinatuoad na enhanced community quarantine sa Luzon.

“Marami pa rin po sa ating kababayan ang hindi nagso-social distancing. Medyo parang piyesta pa sa kanilang lugar, nagiinuman sa tabi and they don’t see that we can become dangerous to each other,” sabi ni Cayetano.

Si Cayetano, Executive Secretary Salvador Medialdea at iba pang miyenbro ng House of Representatives ay nagpakuha ng larawan na may hawak na poster na may mensaheng: “Together with doctors and frontliners, we went to work for you, so please stay home for us.”

TAGS: Alan Peter Cayetano, COVID-19, Executive Secretary Salvador Medialdea, special session ng Kamara, Alan Peter Cayetano, COVID-19, Executive Secretary Salvador Medialdea, special session ng Kamara

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.