3,000 COVID-19 test kits mula Singapore, dumating na sa Pilipinas
Natanggap na ng Pilipinas ang donasyon mula sa Singapore kasabay ng paglaban sa Coronavirus Disease o COVID-19, Martes ng hapon.
Sa Twitter, ibinahagi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang mga larawan ng pag-turnover sa kanya ni Ambassador Gerard Ho Wei Hong ng ilang medical supplies.
Kabilang dito ang 3,000 COVID-19 diagnostic test kits at isang polymerase chain reaction (PCR) machine.
” I received this afternoon a donation from the Singapore government of 3,000 COVID-19 diagnostic test kits and one polymerase chain reaction (PCR) machine. The equipment was personally handed to me by Ambassador Gerard Ho Wei Hong. Thank you, Singapore!,” pahayag ng kalihim.
Nagpasalamat naman si Locsin sa iniabot na tulong ng Singapore sa Pilipinas.
Matatandaang nag-donate rin ang China at South Korea ng ilang medical supplies sa Pilipinas para sa mga hakbang laban sa COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.