Naic, Cavite Mayor Dualan positibo sa COVID-19

By Angellic Jordan March 24, 2020 - 02:38 PM

Inilahad ni Naic, Cavite Mayor Junio Dualan na nagpositibo siya sa Coronavirus Disease o COVID-19.

Sa Facebook, ipinaalam ni Dualan ang na positibo ang resulta ng isinagawang swab testing sa kanya noong March 18.

Pumunta na aniya siya sa isang ospital para sumailalim sa masusing pagsususri upang malaman ang lagay ng kaniyang kondisyon.

Matapos ang ilang test at procedure, lumabas aniya ang resulta na siya ay “positive but in good condition.”

Dahil dito, sinabi ng alkalde na pinayuhan siyang sumailalim sa strict self-quarantine.

Humingi naman ng pang-unawa at dasal si Dualan.

Hinikayat din nito ang mga residente ng Naic na sumunod sa mga ipinatutupad na panuntunan ng gobyerno kasabay ng enhanced community quarantine para sa kaligtasan ng lahat.

TAGS: cavite, COVID-19 positive, Mayor Junio Dualan, Naic, strict self-quarantine, cavite, COVID-19 positive, Mayor Junio Dualan, Naic, strict self-quarantine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.