WATCH: Miyembro ng Manila Police District, nagpositibo sa COVID-19

By Ricky Brozas March 24, 2020 - 02:10 PM

Isang tauhan ng Manila Police District o MPD ang nag-positibo sa COVID19.

Ayon kay MPD PIO Chief LT. Col. Carlo Manuel, base sa isinagawang laboratory test sa Research Institute for Tropical Medicine o RITM, positibo sa Coronavirus ang isa nilang kabaro.

Sa spot report ng MPD, isang patrolman mula sa Malate Police Station ang una nang itinuring na ‘patient under investigation’ o PUI noong March 17, 2020 at dinala sa isang ospital sa Quezon City kung saan siya kinuhanan ng swab sample na siyang ipinadala sa RITM noong din araw na iyon.

March 23, 2020 nang ilabas ng RITM ang resulta ng lab test sa naturang pulis kung saan nakumpirmang positibo ito sa COVID-19.

Naipagbigay-alam na sa mga kinauukulang opisyal ng MPD ang kaso ng naturang pulis na regular namang inaalam ang kalagayan nito sa pammagitan ng tawag sa telepono.

Ayon sa MPD, nagsasagawa na rin sila ng contact tracing sa mga taong nagkaroon ng close contact sa nasabing pulis.

Ang mga natukoy nang indibidwal na nagkaroon ng close contact sa naturang pulis ay pinayuhan na mag-home quarantine muna hanggang sa March 28, 2020.

Narito ang buong report ni Ricky Brozas:

TAGS: COVID-19 positive, Malate Police Station patrolman, Manila Police District, COVID-19 positive, Malate Police Station patrolman, Manila Police District

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.