Sa Laging Handa briefing, sinabi ni WHO representative Dr. Rabindra Abeyasinghe na bagamat hindi aprubado ng WHO ang mga improvised face mask, mas maganda na ito kaysa sa wala.
Ayon kay Abeyasinghe, nakararanas ngayon ng global shortage sa mga mask at iba pang Personal Protective Equipment (PPE).
Ayon kay Abeyasinghe, hindi 100 porsyento na makapagbibigay proteksyon ang mga improvised face mask.
Sa ngayon, puspusan ang ginagawang ayuda ng WHO sa pamahalaan ng Pilipinas para matuldukan na ang COVID-19.
Nanawagan din ang WHO sa lahat kabilang ang pribadong sektor na suportahan ang pamahalaan sa pagpo-procure ng PPEs upang matiyak ang kaligtasan ng medical workers para gampanan ang kanilang tungkulin.