WHO, walang nakikitang problema sa improvised face masks

By Chona Yu March 24, 2020 - 01:43 PM

Walang nakikitang problema ang World Health Organization (WHO) sa paggamit ng mga Filipino sa mga “do it yourself face mask” bilang pangontra sa Coronavirus Disease o COVID-19.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni WHO representative Dr. Rabindra Abeyasinghe na bagamat hindi aprubado ng WHO ang mga improvised face mask, mas maganda na ito kaysa sa wala.

Ayon kay Abeyasinghe, nakararanas ngayon ng global shortage sa mga mask at iba pang Personal Protective Equipment (PPE).

Ayon kay Abeyasinghe, hindi 100 porsyento na makapagbibigay proteksyon ang mga improvised face mask.

Sa ngayon, puspusan ang ginagawang ayuda ng WHO sa pamahalaan ng Pilipinas para matuldukan na ang COVID-19.

Nanawagan din ang WHO sa lahat kabilang ang pribadong sektor na suportahan ang pamahalaan sa pagpo-procure ng PPEs upang matiyak ang kaligtasan ng medical workers para gampanan ang kanilang tungkulin.

TAGS: COVID-19, Dr. Rabindra Abeyasinghe, improvised face masks, WHO, COVID-19, Dr. Rabindra Abeyasinghe, improvised face masks, WHO

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.