Mga may sakit na HIV at TB pinatutukan din sa pamahalaan

By Erwin Aguilon March 24, 2020 - 01:40 PM

Iginiit ni Anakalusugan Rep. Michael Defensor na kailangang ding matutukan ng Department of Health (DOH) ang mga maysakit na human immunodeficiency virus (HIV) at tuberculosis (TB).

Ayon kay Defensor, nakakabahala na sa gitna ng bagong strain ng Coronavirus Disease (COVID-19) ay marami sa mga Filipino ang hindi bukas para sa pagpapakonsulta sa mga doktor lalo na ang mga may HIV na maituturing na mas delikado para sa kalusugan.

Pinatitiyak ni Defensor sa DOH na panatilihing nakabukas ang 156 HIV out-patient centers nang sa gayon ay tuluy-tuloy pa rin ang treatment at makakakuha pa rin ng libreng suplay ng anti-retroviral medicines ang mga pasyente gayundin ang ibang nais magpakonsulta.

Bukod dito, ang mga na-diagnose naman na may TB ay pinasisiguro sa DOH na nabibigyan ng sapat at tuluy-tuloy na gamutan.

Paliwanag ni Defensor, tulad ng ibang may existing na sakit ay vulnerable din sa Coronavirus Disease ang mga may HIV at TB.

Sa tala ng National HIV/AIDS Registry, aabot sa 71,778 ang HIV cases kung saan 41,468 o 58 percent ay sumasailalim sa treatment habang 3,617 o 5 percent HIV cases ang nasawi na.

Ang Pilipinas naman ay ikatlo sa buong mundo na may pinakamataas na kaso ng TB at inaasahang tataas pa sa 2.5 million cases ang kaso hanggang 2022.

TAGS: COVID-19, doh, HIV, Rep. Michael Defensor, tuberculosis, COVID-19, doh, HIV, Rep. Michael Defensor, tuberculosis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.