Ambassador Roy Señeres, pumanaw na

By Isa Avendaño-Umali February 08, 2016 - 12:15 PM

roy seneresPumanaw na sa edad na 68 si OFW Family Club Party-List Rep. Roy Señeres.
Kinumpirma ng kaniyang pamilya ang pagpanaw Señeres alas 8:07 ng umaga kanina dahil sa cardiac pulmonary arrest.

Nasa St. Luke’s Medical City sa Bonifacio Global City sa Taguig si Señeres nang siya ay pumanaw.

Noong nakaraang buwan ng Enero pa siya naka-confine sa nasabing pagamutan, pero kaninang umaga isinugod ito sa intensive care unit ng ospital.

Matagal nang diabetic si Señeres at ito ang kaniyang ibinigay na dahilan nang mag-withdraw ng kandidatura sa pagka-pangulo noong Biyernes.

Si Señeres ay kilala din sa tawag na ‘Amba’ dahil sa paninilbihan noon bilang ambassador.

Nitong nagdaang Biyernes lamang ay inanunsiyo ni Señeres ang kanyang pag-urong sa presidential race dahil sa kundisyon ng kanyang kalusugan.

Ngayong araw na ito ay pupunta sana sa tanggapan ng Commission on Elections si Señeres para ihain ang kanyang opisyal na pag-urong sa halalan.

TAGS: ambassador roy señeres dies of cardiac arrest, ambassador roy señeres dies of cardiac arrest

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.