Mga alagang hayop dapat ding tulungan sa kabila ng lockdown

By Erwin Aguilon March 24, 2020 - 01:37 PM

Kuha ni Richard Garcia

Pinatutulungan din ni Ang Probinsyano Rep. Ronnie Ong sa pamahalaan ang mga alagang hayop na posibleng mapabayaan sa gitna ng ipinapatupad na enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon kay Ong, dapat na atasan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang mga personnel na nasa checkpoint at sa mga barangay na payagang papasukin ang animal doctors at mga staff basta’t nakasuot ang mga ito ng personal protective equipment (PPE).

Nababahala ang kongresista na maraming mga alagang hayop tulad ng aso at pusa at mga livestock ang hindi mabibigyan ng medikal na atensyon dahil ang mga veterinarians at mga staff nito ay hindi exempted sa ECQ.

Bukod dito, naririyan pa rin ang banta ng Asian Swine Fever (ASF) at Avian Flu sa mga livestock at poultry.

Pinag-iisyu din ng mambabatas ng special passes para sa mga may alagang hayop para madala agad ang mga ito sa beterinaryo kung kakailanganin.

Paliwanag ni Ong, sa panahon ng lockdown bunsod ng COVID-19 ay hindi lamang mga tao ang nagkakasakit kundi pati mga pinakamamahal na alagang hayop.

Pahayag ito ng mamababatas, kasunod ng mga sumbong ng ilang kababayan na hindi maisugod sa veterinary ang kanilang mga alagang hayop dahil kung hindi sarado ang clinic ay hindi naman sila pinapayagang makapasok sa lugar.

TAGS: COVID-19, enhanced community quarantine, Rep. Ronnie Ong, COVID-19, enhanced community quarantine, Rep. Ronnie Ong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.