Bus galing Maynila isinailalim sa quarantine pagdating ng Davao
Isinailalim sa quarantine ang lahat ng sakay ng isang pampasaherong bus na dumating sa Davao De Oro mula Maynila.
Sakay ng bus ang 32 na mga pasahero kabilang ang isang buntis at isang taong gulang na bata.
Ayon kay Davao City Mayor Sara Duterte – Carpio isa sa sakay ng bus ay nakitaan ng sintomas ng COVID-19.
Dahil dito, hindi pinayagan na makalagpas ng checkpoint ang bus.
Ipinatutupad na ang region-wide lockdown sa Davao Region.
Nagtataka si Mayor Sara kung paanong nakabiyahe ang bus sa kasagsagan ng lockdown.
Sa halip na pabalikin sa pinagmulan ay nagpasya ang alkalde na ipasailalim sa 14 na araw na quarantine ang mga sakay ng bus.
Rarasyunan sila ng pagkain tatlong beses sa isang araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.