40 nahuli sa paglabag sa curfew sa Cainta

Umabot sa 40 katao ang naaresto sa bayan ng Cainta sa magdamag dahil sa paglabag sa umiiral na curfew.

Alas 8:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga ang pagpapatupad ng curfew sa Cainta.

Ayon kay Cainta Mayor Johnielle Keith Nieto, sa nagdaang mga araw na pag-iral ng curfew ay pababa na ang mga naaaresto.

Umaasa naman si Nieto na sa mga susunod na araw ay patuloy nang bababa ang bilang ng mga nadadakip sa curfew.

 

Read more...