outbrain

Empleyado ng PNB sa kanilang tanggapan sa Macapagal Boulevard Pasay nagpositibo sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo March 24, 2020 - 12:23 PM

Kinumpirma ng Philippine National Bank (PNB) na isang empleyado sa PNB Financial Center sa Macapagal Boulevard Pasay City ang nagpositibo sa COVID-19.

Kahapon lumabas ang resulta ng COVID-19 test sa empleyado na simula noong March 11, 2020 ay nakasailalim na sa quarantine.

Tiniyak ng pamunuan ng PNB na binibigyang tulong nila ang emleyado at ang pamilya nito.

Kasabay nito sinabi ng PNB na nagsasagawa na ng sila ng top-to-bottom disinfection sa PNB complex.

Maging ang mga branch nila at iba pang tanggapan ay sumasailalim din sa disinfection.

“Our Business Continuity Plan (BCP) is ready for events such as this. Our preparations for this pandemic take into consideration the needs of our employees, customers, and various stakeholders,” ayon sa pahayag ng PNB.

 

 

TAGS: BUsiness, covid positive, COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, PNB, public health emergency, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, BUsiness, covid positive, COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, PNB, public health emergency, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.