Empleyado ng ADB nagpositibo sa COVID-19

Isang empleyado ng Asian Development Bank (ADB) ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa pahayag ng ADB, huling nagtungo sa ADB Building ang empleyado noong March 11, 2020.

Nakitaan ito ng mild na sintomas ng sakit at hindi kinailangan na agad ma-admit sa ospital.

Ayon kay ADB Vice President for Administration and Corporate Management Deborah Stokes, binibigyan nila ng karampatang tulong ang kanilang empleyado.

Ang mga staff ng ADB headquarters ay nagsimula nang mag work from home noong March 12.

Read more...