Punerarya, nasunog sa Maynila

By Erwin Aguilon February 08, 2016 - 08:01 AM

fire-defaultAabot sa P1 milyon pisong halaga ng ari-arian ang natupok ng apoy sa sunog na sumiklab sa isang punerarya sa #324 Loreto Street kanto ng G. Tuazon, Sampaloc, Maynila.

Pag-aari ni Ramon Manalaysay ang nasunog na two-storey Building na Gloria Memorial Homes.

Umabot sa ika-apat na alarma ang sunog na nagsimula alas 4:58 ng umaga at idineklarang fire out ganap na alas5:49 ng umaga.

Nasunog sa insidente ang tatlong karo ng patay at nadamay rin ang tatlong bahay sa likurang bahagi nito.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga otoridad upang mabatid ang pinagmulan ng apoy sa nasabing sunog.

Wala namang napaulat na nasaktan o nasawi sa nasabing insidente.

TAGS: fire hits funeral parlor in Manila, fire hits funeral parlor in Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.