Kaso ng COVID-19 sa Laguna umakyat na sa 8

Umakyat na sa walo ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Laguna.

Ayon kay Laguna Gov. Ramil Hernandez, sa datos ng Laguna Provincial Heath Office, 6 ang kaso sa Santa Rosa, 1 sa Binan at 1 sa Cubayao.

Mayroong mahigit 2,000 persons under monitoring (PUM) sa Laguna.

Mahigit 700 dito ay cleared na.

Habang mayroon namang mahigit 300 na patients under investigation o PUIs.

 

 

Read more...