Isa pang doktor pumanaw dahil sa COVID-19
Isa pang doktor sa bansa ang pumanaw dahil sa COVID-19.
Sa pahayag ng Philippine Heart Association, pumanaw ang dati nilang presidente na si Dr. Raul Jara.
Sinabi ng PHA na maliban sa pagiging cardiologist, si Jara ay isang mabuting ama, guro, mentor, poet, author, singer, at kaibigan sa marami.
“It is with profound sadness that we announce the loss of one of the great pillars of Cardiology, PHA Past President Dr Raul Diaz Jara. He was a great father, teacher, mentor, poet, author, singer, colleague, friend,” ayon sa pahayag ng grupo.
Isa lamang si Jara sa mga frontliner sa pagtugon sa COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.