Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na ipinakalat na ang mga test kits sa mga subnational laboratories.
Nakabase aniya ang alokasyon sa pangangailangan ang kapasidad ng bawat laboratoryo kung ilan ang kanilang magagawa sa loob ng isang araw.
Pero ayon kay Vergeire, mas marami ang nakalaan parasa Research Institute for Tropical
Medicine o RITM dahil mas marami ang kanilang makina at mas mataas ang kapasidad na makapagawa mg pagsusuri sa mga pasyenteng posibleng tinamaan ng COVID-19.
Ayon kay Vergeire, patuloy na iiral ang protocol ng pamahalaan na dapat na unahing suriin ang mga pasyenteng may sintomas ng COVID-19.