100,000 COVID-19 test kits na bigay ng China ipanamahagi na ng DOH

By Chona Yu March 24, 2020 - 10:19 AM

Ipinamahagi na ng Department of Health (DOH) ang 100,000 test kits na ibinigay ng China bilang ayuda sa Pilipinas sa paglaban sa COVID-19.

Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na ipinakalat na ang mga test kits sa mga subnational laboratories.

Nakabase aniya ang alokasyon sa pangangailangan ang kapasidad ng bawat laboratoryo kung ilan ang kanilang magagawa sa loob ng isang araw.

Pero ayon kay Vergeire, mas marami ang nakalaan parasa Research Institute for Tropical
Medicine o RITM dahil mas marami ang kanilang makina at mas mataas ang kapasidad na makapagawa mg pagsusuri sa mga pasyenteng posibleng tinamaan ng COVID-19.

Ayon kay Vergeire, patuloy na iiral ang protocol ng pamahalaan na dapat na unahing suriin ang mga pasyenteng may sintomas ng COVID-19.

TAGS: COVID test kits, COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, COVID test kits, COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.