Food delivery service inilunsad ng Angkas

March 24, 2020 - 10:00 AM

Dahil sa umiiral na enhanced community quarantine sa buong Luzon, walang hanapbuhay ngayon ang mga rider ng Angkas.

Bunsod nito, naisipan ng Angkas na maglunsad ng Angkas Food na mag-aalok ng door-to-door na delivery ng pagkain.

Makatutulong ito sa kanilang mga rider para magkaroon pa rin ng pagkakakitaan at makatutulong din sa mga mamamayan na nananatili sa kani-kanilang tahanan.

Tiniyak naman ng pamunuan ng Angkas na ang kita ay para lamang sa kanilang riders at walang komisyon na kukuhanin ang kumpanya.

Ang serbisyo ng Angkas Food ay mula alas 10 ng umaga hanggang alas 5:30 ng hapon kada araw.

Tiniyak din ng Angkas na pananatilihin ang social distancing sa pagsasagawa ng food delivery.

TAGS: angkas food, enhanced community quarantine, food service, angkas food, enhanced community quarantine, food service

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.