Sugatan ang driver ng isang 40-footer container van makaraang sumalpok sa flyover ng EDSA Tramo sa Pasay City.
Nakilala ang driver ng truck na si Dionisio Calago, 40-anyos na nagtamo ng sugat sa kanyang ulo at katawan.
Ayon kay MMDA traffic constable Rafael Santos, minamaneho ni Calago ang isang container van na may plakang BUA 1947 nang bumangga sa poste ng flyover.
Nabatid na inararo muna ng truck ang center island bago tuluyang sumalpok sa poste.
Ayon sa driver ng truck biglang may sumulpot na isang sasakyan sa kanyang unahan dahilan upang kanyang iwasan.
Isinugod naman kaagad sa ospital ang nasabing driver ng truck.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.