Ayon kay Cesar Chavez, ang chief of staff ni Manila Mayor Isko Moreno, noon pa man ay may koordinasyon na ang Manila LGU sa pamunuan ng PGH maging sa Department of Health o DOH.
Sa mga darating na araw ay inaasahan na mapa-plantsa na ang mga bagay na kaugnay sa pagiging COVID-19 Referral Center ng PGH, na isa sa mga ospital na matatagpuan sa Maynila.
Sa ngayon, sinabi ni Chavez na tuloy-tuloy ang pagtulong ng Manila City Government sa mga empleyado ng PGH, sa gitna ng umiiral na Enhanced Community Quarantine.
Ani Chavez, maraming empleyado ng PGH ang nabigyan na ng hotel accommodation.
Hindi naman bababa sa dalawampung hotels at motels ang nakikipag-tulungan na sa Manila LGU upang mabigyan ng pansamantalang matutuluyan ang health workers ng PGH at iba pang mga ospital sa Maynila.