PGH bilang referral center ng COVID-19, pagkakalooban ng ayuda ng Manila LGU

By Ricky Brozas March 24, 2020 - 08:55 AM

Tiniyak ng lokal na pamahalaan ng Maynila na magbibigay sila ng kakailanganing ayuda para sa Philippine General Hospital o PGH na itinalaga bilang isa sa mga referral center sa mga pasyenteng tinamaan ng coronavirus disease o COVID-19.

Ayon kay Cesar Chavez, ang chief of staff ni Manila Mayor Isko Moreno, noon pa man ay may koordinasyon na ang Manila LGU sa pamunuan ng PGH maging sa Department of Health o DOH.

Sa mga darating na araw ay inaasahan na mapa-plantsa na ang mga bagay na kaugnay sa pagiging COVID-19 Referral Center ng PGH, na isa sa mga ospital na matatagpuan sa Maynila.

Sa ngayon, sinabi ni Chavez na tuloy-tuloy ang pagtulong ng Manila City Government sa mga empleyado ng PGH, sa gitna ng umiiral na Enhanced Community Quarantine.

Ani Chavez, maraming empleyado ng PGH ang nabigyan na ng hotel accommodation.

Hindi naman bababa sa dalawampung hotels at motels ang nakikipag-tulungan na sa Manila LGU upang mabigyan ng pansamantalang matutuluyan ang health workers ng PGH at iba pang mga ospital sa Maynila.

TAGS: COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, Manila LGU, pgh, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, referral hospital, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, Manila LGU, pgh, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, referral hospital, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.