Bayan ng Pandi sa Bulacan may paraan para sa contactless distribution ng relief packs
Sa bayan ng Pandi sa lalawigan ng Bulacan may kakaibang pamamaraan ang lokal na pamahalaan upang matiyak ang contactless distribution ng relief goods.
Walang abutan na nagaganap kapag ipinamamahagi ang food packs sa mga residente.
Ito ay matapos ipa-utos ni Pandi Mayor Rico Roque sa mga mamamayan na maglabas ng isang upuan sa harapan ng kani-kanilang mga bahay para doon ipapatong ang ide-deliver na food packs.
Kapag nagsimula na ang pamimigay ng ayuda, mag isang tauhan ng lokal na pamahalaan na nag-aanunsyo na bawal lumabas ng kani-kanilang bahay ang mga residente habang ginagawa ang distribution ng food packs.
Pagkatapos nito ay saka isa-isang ipapatong sa upuan ang mga relief.
Sa pamamamgitan nito ayon kay Roque ay napapanatili ang contactless distribution at social distancing sa kanilang bayan.
Araw-araw na namamahagi ng relief goods sa iba’t ibang barangay sa Pandi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.