Ito bahagi pa rin ng pag-iingat laban sa coronavirus disease o COVID-19, na sa Maynila ay binansagang “Code COVID-19. Contain and Delay.”
Sa abiso ng Manila Barangay Bureau, buong araw ang misting operations sa iba’t ibang lugar sa lungsod na pangungunahan ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).
Kaya naman inaabisuhan ang lahat ng mga barangay sa Maynila na maging bukas para sa misting operations.
Ang mga residente naman ay patuloy na inaabisuhang manatili sa kani-kanilang mga bahay, hindi lamang para sa gagawing misting operations kundi habang umiiral ang Enhanced Community Quarantine.
May mga tao pa rin kasi ang lumalabas, kahit laging pinapaalalahan na iwasang lumabas, maliban kung may emergency o bibili ng mga kailangan gamot at pagkain.
Sa pinaka-huling datos mula sa Manila Health Department, kabuuang 10 ang positibong kaso ng Covid-19 sa Maynila, kung saan dalawa ang nasawi habang isa ang naka-recover sa sakit.
Aabot naman sa 76 ang Persons under Investigation o PUIs.