LPA binabantayan ng PAGASA sa Silangan ng Mindanao
Isang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa silangang bahagi ng Mindanao.
Huling namataan ang LPA sa layong 1,550 kilometers East Southeast ng Mindanao.
Ayon kay PAGASA Weather Speacialist Chris Perez, wala pa itong direktang epekto saanmang bahagi ng bansa.
Sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw ay mananatili ito sa labas bansa at maliit din ang tsansa na ito ay maging isang ganap na bagyo.
Para sa magiging lagay ng panahon ngayong araw, mainit at maalinsangang panahon pa rin ang mararanasan.
Ang easterlies ay maaring magdulot ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa na mayroong isolated na pag-ulan at thunderstorms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.