Mass COVID-19 testing sa mga preso, detenido inihirit

By Jan Escosio March 23, 2020 - 09:08 PM

Nais matiyak ng grupong Kapatid na totoo ang inanunsiyo ni Interior Secretary Eduardo Año na nanatiling ‘100% COVID 19 free’ ang mga detention facility na nasa ilalim ng kanilang pangangasiwa.

Inihirit ng grupo sa Bureau of Corrections (BuCor) at Bureau of Jail Managament and Penology (BJMP) na magsagawa ng mass testing sa hanay ng mga detenido at preso at simulan sa mga may sintomas na ng nakakamatay na sakit at isunod ang mga walang sintomas ngunit maaring magdala ng virus sa mga kulungan.

Nangangamba ang Kapatid na dahil sobrang siksikan sa mga kulungan sa bansa magkaroon na lang ng outbreak ng COVID-19 sa hanay ng 215,000 detenido at preso sa buong bansa.

Nabanggit sa pahayag ng grupo na sa mga naitalang kaso noong Pebrero sa Wuhan, China, 233 sa 565 pasyente ay mga detenido.

Diin pa ng grupo, dapat din magkaroon ng personal protective equipment (PPE) ang mga nagbabantay sa mga kulungan dahil sila ang lumalabas at pumapasok sa mga kulungan.

Nagpahiwatig din ang Kapatid na ikonsidera ang pagpapalaya na sa mga may-sakit, buntis, ang mga may-edad ng mga nakakulong, gayundin ang mga tinatawag na ‘low-level offenders’ para mabawasan ang bilang ng mga nakakulong.

TAGS: BJMP, bucor, kapatid, Mass COVID-19 testing, BJMP, bucor, kapatid, Mass COVID-19 testing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.