Apat pang kaso ng COVID-19, naitala sa Cavite

Nadagdagan pa ang COVID-19 case sa lalawigan ng Cavite.

Ayon kay Governor Jonvic Remulla, nakapagtala ng apat na panibagong kaso ng COVID-19 sa lugar.

Kabilang dito ang mga sumusunod:
– 62-anyos na lalaki mula sa Naic
– 71-anyos na lalaki mula sa Naic
– 30-anyos na babae mula sa Tanza
– 67-anyos na babae mula sa Indang

Ayon kay Remulla, may isa pang napaulat na pasyente mula sa Cavite City ngunit hindi pa ito kinukumpirma ng Provincial Health Officer sa lugar.

Muli namang hinikayat ng gobernador ang mga residente sa Cavite na sumunod sa mga ipinatutupad na patakaran para mabilis na malagpasan ang krisis.

Read more...